Kahit balubaluktot, pipilitin.
Kasi buwan ng wika nung nakalampas na buwan.
Kasi Agosto nun at birthday month ko at Pilipino ako.
Kasi mas marami akong alam na tagalog.
Kasi may mga salitang di kayang bigyang linaw kapag inggles.
Kasi nagbigay inspirasyon sakin si Conrado de Quiros.
Kasi minsan naiinis akong makarinig ng inggles na baluktot sa paligid ko, kaya bumabalik ako sa totoo.
Kasi nung isang araw namiss ko ang nanay ko.
Kasi masarap makakita ng mukang litong lito pagnagbigkas ako ng salitang ako lang ang nakakaalam.
Kasi malapit na ang uwian at makakauwi na ko dito.
Kasi mas masarap umorder ng chickenjoy pag tagalog ang gamit mo kahit instik ang nasa likod mo.
Kasi kahit apat na oras lang ang layo ko sa bansa natin, di ako nakakalimot.
Kasi unang una, blog ko to.